Ano nga ba ang tunay na kaligayahan? Pag pumasok ang tanong na ito sa aking isipan maraming ideya ang dumadaloysa aking isipan, ngunit sa dami ng ideya isa lamang ang tunay kong ninanais ito ang makasama ang aking
minamahal.
Sa dami ng mga bagay na pwede kong maisip, bakit nga ba ito? Bakit ito ang depinisyon ko ng tunay na kaligayahan? Ito ang aking napili sapagkat mas pinapahalagahan ko ang aking
minamahal, aanhin ko ang pera o iba pang materyal na bagay
kung hindi ko naman makakasama ang aking minamahal. Sa
bawat pag subokna aking nararansan ito ang nagiging ilaw ko sa madilim na hinaharap.
Sa kabuuan, maraming kahulagan ang tunay na kasiyahan sa
sa bawat taong mabubuhay sa mundong ito, ngunit isa lang ang nagbibigay ng buhay at inspirasyon sa akin at ito ang makasama ang aking minamahal hanggang sa dulo ng hangganan.
No comments:
Post a Comment