Search This Blog

Wednesday, November 20, 2024

Sulatin #1 : Paglalakbay sa Aking Buhay

  Ang layunin na makatapos sa aking pag-aaral ay isang tulay ko sa aking pagtagumpay sa aking buhay. Ito ay ang aking magiging instrumento sa hinaharap para makamit ko ang mga bagay na gusto kong makuha at marating, napapabuti rin nito ang aking kabuuang ambag sa lipunan. Sa aking pagkamit nito magkakaroon ako ng magandang buhay at ang aking sariling pamilya.

  Ang ating edukasyon ay isang pundasyon sa pag buo ng isang makinang na kinabukasan. Ito ang aking magiging susi sa mga oportunidad na mag gagabay sa akin na maabot ang aking mga pangarap sa buhay. Sa bawat araw na nakikipagsapalaran ako sa aking buhay lagi kong iniisip ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng inspirasyon katulad ng aking pamilya kaibigan at ang mga gusto kong marating sa aking buhay, sa paraang ito napupuno ako ng determinasyon mag patuloy sa buhay. Hindi lamang para sa aking sariling kapakanan ang pagtahak ko sa landas ng edukasyon, kundi upang maipakita rin sa kanila na ang pagsusumikap at dedikasyon ay may kaakibat na bunga.

   Bukod dito, ang pagtatapos ko sa aking pag-aaral ay nagbibigay-daan din upang maging mas handa ako sa mga hamon na aking haharaoin. Sa kabuuan, maraming magandang epekto ang madudlot ng pag tapos ko sa aking pag-aaral.


 

 

 


   

No comments:

Post a Comment