Sta. Lucia Highschool
# 30 Tramo St. Rosario Village, Sta Lucia, Pasig City
THE SEMIDEUS
ni Lostmortals (Melgen De Vera)
PSICOM PUBLISHING, 2016
Isang Suring-Aklat (Book-Review) na iniharap
Kay Ginoong G. Agpaoa, LPT
Bilang isa sa mga Pangangailangan sa Kursong
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Tekto Tungo sa Pananaliksik
Ipinasa ni:
Zeus Jose Enrico C. Rubino
G11 – STEM 1
Enero, 2025
I PANIMULA
A. PAMAGAT
Ang pamagat na “The Semideus” ay salitang hango sa salitang Latina “Semideus” na nangangahulugang “kalahating diyos” o “demigod”. Sa mitilohiya ng GRiyego at Romano nangangahulugan naman ito ng isang nilalang na ipinanganak mula sa isang mortal at isang diyos, kaya't mayroon silang kakaibang kakayahan na higit sa normal na kakayahan ng isang tao ngunit hindi kasing-makapangyarihan ng isang tunay na diyos.
Sa kwento naman ang konsepto ng isang pagiging semideus ay isang mahalagang konsepto sa bahagi ng buhay ni Xynthea dahil inaasam niyang maging isang semideus upang malaman niya ang tunay niyang pagkatao at mabalik ang kaniyang mga memoriya ng kaniyang nakaraan nap uno ng misteryo. Ipinakita sa nobela ang kaniyang pagsusumikap upang mapatunayan ang sarili sa harap ng mga diyos at sa mga iba pang semideus. Ang pamagat na ito ay nagbibigay ng kahulugan sa mga tema ng pagtuklas sa sariling pagkatao at pagharap sa mga balakid sa buhay upang patunayan ang iyong sarili sa isang mundo kung saan ang pagiging kakaiba ay maaaring maging isang biyaya sayo o isang sumpa na makakapagpahirap sa buhay mo.
B. URI NG PANITIKAN AT GENRE
Ang nobelang The Semideus ay nabibilang sa genre na mitolohiya at fantasy. Marami sa elemento ng nobelang ito ay nahango sa mitolohiya ng Griyego katulad ng mga iba’t ibang karakter at tagpuan na mahahanap at mababasa mo sa nobelang ito. Ang mga mambabasa na pamilyar sa mga lugar at pangalan na matatagpuan sa nobela ay magkakaroon ng magandang karanasan sa pagababasa ng nobelang ito dahil sa pagiging pamilyar nila sa temang ito at dahil rin sa kagandahan ng pagsama ng manunulat sa mga elementong aking mga nabanggit.
Marami sa elemento ng nobela ang naihango sa mitolohiya ng Griyego na nakapagpaganda sa nobela para maging relatable ito sa mga makakabsa ng nobela. Ang genre ito ay tiyak na magugustuhan ng mga taong may hilig sa mga mitolohiya ng Griyego.
C. PAGKILALA SA MAY AKDA
Si Melgen De Vera o mas kilala bilang Lostmortals ay isang Pilipinong manunulat na nakilala sa platform na Wattpad. Ang isa sa mga kaniyang akda ay ang The Semideus, karamihan sa kaniyang mga nasulat na libro ay may temang mitolohiya dito siya nakilala sa platform na wattpad at patuloy na tinatangkilik ng mga mambabasa sa Wattpad.
II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A. TEMA / PAKSA
Ang tema ng nobela ay umiikot sa ideya ng pagkakaroon ng malaks na paninidigan at tiwala sa ating mga sarili pinapakita din sa nobela ang pagusumikap para makamit ang mga inaasam mong mga bagay sa ating buhay. Pinakita sa istorya ng nobela kung papaano ang dinamiko ng pagiging masikap ay nagbubunga ng Maganda katulad sa nangyari kay Xynthea na siya ay nagsumikap para maging isang ganap na semideus.
Ang mga tema sa libro ay nagpatibay sa at nagpaganda sa istoryang gusting ipahatid ng libro sa mga mambabasa. Nabigyang ilaw din ang importansiya ng pagiging matapang sa mga pagkakataong tayo ay nasa mahirap na parte ng ating buhay pinakita ito sa pamamagitan ng mga iang pangyayari sa libro isang halimbawa ang pagsakripisyo ni Diane ng kaniyang buhay upang malaman ng mga kaniyang kaibigan ang tunay na sa saot sa kanilang mga katanungan.
Sa kabuuan, ang mga tema at paksa sa nobela ay naipahayag ng maayos at may diin sa mga mahahalagang parte ng libro na nagsemnto sa pundasyon nito upang mabuo ang istorya ng may magandang resulta.
B. MGA TAUHAN, TAGPUAN, PANAHON
MGA TAUHAN
Xynthea - Ang pangunaging tauhan, isang mortal na nangangarap na maging isang semideus upang malinawan at malaman niya ang kaniyang nakaraan na nababalot ng misteryo.
Zeref – Isang semideus na anak ni Zeus, siya ang nagdala kay Xynthea sa semideus ball at siya rin ang gabay ni Xynthea sa paglalakbay nito sa mundo ng mga Diyos at mga semideus.
Gideon – Miyembro ng mga Rebels na pinamumunuan ni Zeref. Isang semideus na anak ni Hephestus at dating kasintahan ni Aster. May kapangyarihan na gumawa ng apoy
Diane – Semideus na mentee ni Athena. Siya rin ay ang anak ng Diyosa na si Artemis na Diyosa ng pangangaso, kalikasan, at ang ng buwan. Siya ay isa sa mga kaibigan ni Xynthea.
MGA TAGPUAN
Semideus' Island - Dito naniniraham ang mga mortal na nakapasa sa semideus test at ganap ng isang semideus. Ito ang nagiging tahanan nila hanggat wala pang Diyos or Diyosa na nakapili sakanila na maging isang mentee
Zeus' Island - Dito naninirahan ang Diyos na si Zeus ang Hari ng Olympus at siya rin ang Diyos ng langit, kulog, at kidlat. Ito ang naging tirahan ni Xynthea pagkatpos siyang piliin ni Zeus para maging mentee niya.
Mortal na Daigdig – Ang tirahan ng mga mortal at ang unang tagpuan na makikita sa nobela at ang pinanggalinagn ni Xynthea.
PANAHON
Ang panahon na nasa istorya ay ang modernong panahon o ang kasalakuyan na hinaluan ng elemento ng mga mitolohiya na nagbibigay sa istorya ng nobela ng magandang pagkakakilalan at pagiging relatable nito sa mga mamababasa. Naisalin ng maganda ng manunulat ang iba’t ibang elemento ng mitolohiya at modernong panahon sa iisang istorya upang makabuo ng isang komprehensibong mundo sa nobela.
C. ESTILLO NG PAGKASULAT NG MAY AKDA
Ang estillo ng manunulat ng The Semideus ay isang modernong paraan na nakakapagparelate sa mga mambabassa nito na karamihan ay mga teenager na naghahanp ng libro tungkol sa mitolohiya. Naincorporate ng maayos ng manunulat ang estilo niya ng panunulat sa libro na nagging tulay para mabuo ang mga ideya na nilalaman ng nobela.
Ang kaniyang estilo ng panunulat ay nagbunga ng isang magandang dinamiko sa mga karakter at diyalogo ng mga ito, napagsama niya ng maayos ang mga medrnong elemento ng mundo at ang mga elemento ng mitolohiya sa isang istorya nabuo nito ang kabuuang istraktura na nagging pundasyon ng nobela upang mailahad ang mensahe at ang istorya nito.
Sa kabuuan, ang kaniyang estillo ng panunulat ay nakatulong at nagpaganda sa buong istraktura at ang kabuuang nilalaman ng libro. Binigyang buhay ng manunulat ang bawat karakter ng may pagiging malikhain.
III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
A. KAKINTALAN / KAISIPAN
Ang kaisipan na napapaloob sa nobela ay ang pagiging pursigido sa mga bagay na gusto nating makamit at inaasam sa buhay. Ang kaisipan na ito ay matatagpuan sa buong libro, ito ring kaisipan na ito ay sumasalamin kay Xynthea dahil sa mga kanyang mga pinadaanan na pagsubok sa nobela ay hindi siya nawalan ng pag asa at tuluyan niyang pinaglban ang kaniyang sarili ang mga pinaniniwalaan niya bilang isang semideus.
Kahit sa puntong kalaban na niya si Cronus ang Titan ng Oras hindi parin siya nawalan ng pag asa at paniniwala sa sarili. Ang katangian na ito ay nagging daan nila upang magtagumpay sa huli. Dahil sa pangayayaring ito mas napatibay nito ang kabuuang isipan ng nobela na gusting ipahiwatig sa mambabasa.
Sa kabuuan, ang kaisipan na gusting maipahayag ng libro ay isang magandang halibawa na dapat tayo magkaroon ng tiwala at laging maging pursigido sa mga bagay natin na gustong makamit sa buhay.
B. KULTURANG MASASALAMIN
Ang Kulturang Maisasalamin natin sa nobela ay ang kultura ng mga
Griyego na sumasalamin sa bawat karakter sa loob ng nobela. Isang halimbawa nito ay ang iba’t ibang mga elemento o aspeto na nakuha sa mitolohiya katulad ng mga kanilang paniniwala sa mga diyos ng iba’t ibang aspeto sa buhay katulad ng Diyos na si Zeus na hawak ang parte ng kalangitan, si Poseidon na Diyos ng Tubig at dagat at iba pa ang mga halimbawang ito ay nagpapakita ng kultura at paniniwala ng mga Griyego nung unang panahon na nagbigay ng kulay sa nobela.
Ang kulturang ito ng mga griyego ay nagging malikng parte ng nobela sa pagbuo ng mga dinamiko sa bawat karakter na nakpaloob sa nobela. Dahil sa kulturang ito. Isang kulturang maisasalamin din ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa nobela na may makaluma at makabagong pamamaraan ng pamumhay.
IV. LAGOM
Ang The Semideus ay nobelang tungkol sa isang mortal na si Xynthea na may pangarap na maging isang ganap na Semideus upang malaman ang kanyang nakaraan. Siya ay nagging isang ganap na semideus sa sa kadahilanang siya ay kinuha ng Fates upang maging assistant nila pansamantala dahil hindi nila makita ang kanyang thread of life. Nung siya ay nagging isang ganap ng semideus dumaan siya sa maraming pagsubok at paglalakbay kasama ng mga iba pang semideus katulad nila Zeref, Diane, Aster, Gideon, Irish, Damon, at si Ilyr nagging mga kaibigan niya ang mga ito at ito rin ang mga tumulong sakaniya upang malaman ang kanikanilang mga nakaraan dahil lahat ng mga diyos at semideus ay walang memorya nung araw ng June 19th. Sa maraming paglalakbay nila nalaman nila ang katotothan nung araw na iyon ay ang pagtakas ni Cronus at plano niyang sakupin ang mundo ng Olympus at mundo ng mga moratl at mag hari nung nalaman nila ang mga ito si Cronus ay nakawala ulit sa kadahilanang pangloloko nito kay Xynthea upang siya ay pakawalan nung nlaman ni Xynthea ang katotohana lahat silang mga semideus ay nagtutlongtulong para matalo si Cronus at sa huli sinakripisyo ni Xynthea ang kanayang bihay para matalo ito na nag resulta ng pagkamatay niya. Sa huli napagdesisyonan ng fates na buhayin muli si Xynthea at gawin siyang Diyosa ng Time.
V. REAKSYON AT MUNGKAHI
Ang aking reaksyon sa pagbasa ng librong ito ay nagdulot ito sakin ng kasiyahan sapanahong binabasa ko ito nagkaroon din ako ng mas malalim napagkaunawa sa mga Diyos at Diyosa sa mitolohiya ng Griyego. Ang buong karansan ko sa pagababasa ay napuno ng pagkagalak.
Sa kabuuan, natuwa ako sa pagbabasa ng nobelang ito at napuno din ako ng kaalaman sa mitolohiya ng ma Griyego na nag dulot ng maganda sa akin. Ang nobela ito ay mairerekomendo ko sa mga kabataan na nag hahanap ng libro na tungkol sa mitolohiya na may pinaghalong modernong panahon. Ang mungkahi ko sa nobela na ay ito isang akdang karapat-dapat basahin ng
mga mahilig sa mitolohiya at pakikipagsapalaran.
